Add parallel Print Page Options

10 Hayo't (A)tayo'y magpakadunong sa kanila; baka sila'y dumami, at mangyari, na, pagka nagkadigma, ay makisanib pati sila sa ating mga kaaway, at lumaban sa atin, at magsilayas sa lupain.

11 (B)Kaya't nangaglagay sila ng mga tagapagpaatag, upang dalamhatiin sila sa (C)atang sa kanila. At kanilang ipinagtayo si Faraon ng mga (D)bayan na kamaligan, na dili iba't ang Phithom at Raamses.

12 Datapuwa't habang dinadalamhati nila sila, ay lalong dumadami at lalong kumakapal. At kinapootan nila ang mga anak ni Israel.

Read full chapter